VIOLATION NOTICE | Higit 30 establisyimento sa Panglao, Bohol, lumampas sa itinakdang easement zone

Bohol – Nasa 37 establisimyento ang lumagpas sa 20-meter easement zone sa baybayin ng Panglao, Bohol.

Ito ang lumabas sa ginawang inspeksyon sa mga sewerage system ng resorts sa Panglao.

Gayunman, ayon kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, wala silang nakitang lumabag sa clean water act.


Pero binigyan aniya ang 37 establisimyento ng violations notice at mayroong tatlong buwan para iatras o tapyasan ang kanilang mga gusali.

Agad namang pumayag ang mga manager at resort owners na gibain ang bahagi ng kanilang gusali na lumagpas sa easement.

Nangako rin ang lokal na pamahalaan na mahigpit nilang imo-monitor ang isla para matiyak na walang lalabag sa environmental law.

Facebook Comments