Manila, Philippines – Mahigit-kumulang 200 kaso ng environmental violations ang inihain ng DENR sa Boracay.
Nasa 116 sa mga establisyimento ay nakitaan ng paglabag sa Philippine Clean Water Act, 77 sa Philippine clean air act, lima sa magkaparehong batas at siyam ang walang environmental compliance certificate.
Samantala, pursigido naman ang Department of Tourism na ituloy 60-day closure ng mga business establishments sa isla.
Target na isagawa ang total closure simula June 1 para bigyan ng pagkakataon ang mga resort owner na i-improve ang kanilang pasilidad at sundin ang itinakda ng batas.
Facebook Comments