San Carlos City, Pangasinan – Bumaba umano ang nahuhuling violator sa ipinapatupad na guidelines ng enhanced community quarantine o ECQ SA lungsod ng San Carlos. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Franklin Ortiz, hepe ng San Carlos PNP na ninety five percent ng mga residente ay nagsusuot ng face mask at ang ilang nahuhuli naman umano ay may tatlong oras na community service.
Dagdag ni Ortiz na wala na din umano silang nahuhuling lumalabag sa curfew at kung mayroong tao man sa labas ay mga nagbibigay lamang ng mga essential services. Sa pagronda din umano ng pwersa ng kapulisan ay may nahuhuli silang lumalabag sa liquor ban na nag iinom ng alak at mga nagsusugal na ikinalungkot naman umano nila.
Nakakapanghinayang ani Ortiz na sa perang nakukuha nilang ayuda o mga pera na ipinangbibili ng alak at ipinangsusugal dahil mas tama umanong ipangbili ng kailangan ng kani kanilang pamilya. Samantala ay tuloy tuloy pa din umano ang anti criminality campaign ng pulisya kahit may ECQ tulad na lamang ng anti-illegal drugs, anti gambling operations at maging ng operasyon nila laban sa nag overpricing ng mga bilihin. [image: 50710693_324931731480769_984510798934048768_o.jpg]