Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa animnaraan (600) na mga indibidwal ang nahuli ng Alicia Police Station simula nang maipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa lugar.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Ardee Tion, hepe ng pulisya, nasa 597 ang kabuuang bilang ng kanilang nahuli at karamihan sa mga ito ay mga unauthorized traysikel.
Sinusundan ito ng mga lumabag sa social distancing at sa curfew hour.
Ayon pa sa Hepe, mayroon lamang itinalagang bilang ng traysikel sa bawat barangay ang pinapayagang maghatid ng isang pasahero patungo sa palengke o sa mga bangko.
Kaugnay nito, patuloy ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng ECQ gaya ng pagsusuot ng facemask at mahigpit din na pagbabantay sa palengke dahil maging ang mga ibang kalapit na bayan ay dito rin namamalengke.
Nagkaroon na rin ng schedule sa pamamalengke ang bawat barangay upang maiwasan ang kanilang pagdagsa at maobserbahan ang social distancing.