Violent extremism, tinututukan ng Southeast Asian countries

Manila, Philippines – Naniniwala si dating President Fidel Valdez Ramos na mareresolba lamang ang violent extremism na ngayon ay tinututukan ng Southeast Asia kung magkakaisa ang ibat-ibang bansa sa Asya.

Sa ginanap na 2017 ASEAN Conference on Peace and the Prevention of Violent Extremism in Southeast Asia sa PICC sinabi ni dating pangulong Ramos ang paglago ng bilang ng hindi pagkakaunawaan na apektado ang komunidad ay naging radicalized na umano sa poverty, relious fanaticism at social media na makalikha ng isang environment na pinapayagan ang violent extremism na naging ugat ng kaguluhan.

Paliwanag ni Ramos layon ng naturang conference ay upang mapigilan ang violent extremism sa ASEAN member sa pamamagitan ng pagpapalakas ng papel ng mga kababaihan at kabataan sa pakikipagtulungan ng komunidad.


Giit ng dating pangulo ng bansa tinutukan ng mga kasapi ng Southeast Asean Nation kung saan nakatuon ang 300 partisipants kabilang ang security analyst, peace advocates, civil society at iba pa ang kanilang talakayan para mapigilan ang violent extremism at counter violent extremism.

Facebook Comments