Manila, Philippines – Walang naging special treatment sa naging paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go.
Ayon kay Commission on Election Spokesperson Director James Jimenez, nananatiling tapat ang komisyon sa mandato nitong pagiging patas.
Aniya, iniwasan nilang magkaroon ng standoff na makakaabala sa mga proseso sa paghahain ng kandidatura kaya pinahintulutan ang higit pa sa apat na kasama ni Go.
Sabi pa ni Jimenez, matapos ito nagdagdag sila ng mga checkpoint sa ground floor para mabantayan ang mga kandidato at matiyak ang pagsunod nila sa mga patakaran.
Facebook Comments