VIP lounge sa NAIA para sa OFWs, paraan ng pasasalamat at pagkilala sa kanilang malaking ambag sa pagpapa-unlad ng ating bansa

Ipinagmalaki ng Liderato ng Kamara, ang pagbubukas ng isang 24/7 VIP Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na libreng nakalaan para sa mg overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay House speaker Ferdinand Martin Romualdez, tugon ito sa sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na suklian ang malasakit ng OFWs sa ating bansa.

Ang lounge ay katulad ng mga espasyong itinatayo ng mga airline company para sa kanilang mga business-class at first-class na pasahero na nagbabayad ng mas malaki kumpara sa mga pasahero na nasa economy.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang mga VIP lounge ay proyekto ng Kamara, Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), at Manila International Airport Authority (MIAA) habang si Zamboanga Sibugay Representative Walter Palma naman ang naghain ng panukala para sa pagpapatayo nito.

Tiniyak ni Romualdez na magtatayo din ng mga OFWs VIP lounge sa iba pang mga international airport sa Metro Manila tulad sa NAIA Terminal 3 gayundin sa Clark, Cebu, at Davao para sa ating mga kababayan na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho abroad.

Binanggit ni Romualdez na ang naturang proyekto ay isang legacy ni Pangulong Marcos na lalagyan din ng mga help desk para tumugon sa mga katanungan ng mga OFWs na itinuturing nating modern-day heroes.

Facebook Comments