‘VIP treatment,’ hindi gagawin kay dating Bamban Mayor Alice Guo kahit na inilipat sa CIW sa Mandaluyong—BJMP

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nila bibigyan ng “VIP treatment” habang naka-detain si dating Bamban Mayor Alice Guo.

Ito’y matapos mailipat si Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong mula sa Pasig City Jail.

Ayon sa BJMP, Magiging pantay ang pagtrato kay Guo tulad na lamang ng ilang nakapiit rin sa naturang pasilidad.

Ito umano ay mandato nila na kahit sino pa ang nakakulong sa nasabing piitan ay pantay-pantay lang tratuhin sa loob.

Kasama pa sa inilipat na rin ng kustodiya ng CIW sina Rachel Joan Carreon at Jamielyn Cruz.

Kasunod na rin ito ng commitment order na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court, Branch 167.

Una nang ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang mosyon ng kampo ni Guo na manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Matatandaang si Guo ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong qualified human trafficking.

Facebook Comments