‘VIP treatment,’ hindi gagawin kay dating Rep. Arnie Teves habang nakapiit sa Bilibid —NBI

Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang magaganap na “VIP treatment” habang naka-detain si dismissed Congressman Arnolfo Teves.

Ito’y matapos mailipat ni Teves sa Bldg. 14 o ngayo’y detention facility ng NBI sa Bilibid, Muntinlupa City.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may isa munang kwarto kung saan mananatili itong si Teves ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na magiging pantay ang pagtrato sa kanya tulad na lamang ng ilang nakapiit rin sa naturang pasilidad.

Samantala, aminado naman si dating Representative Arnie Teves na malungkot siya dahil makukulong siya ngunit mabuti na wala naman siyang choice dahil kailangan niya talagang harapin ang kanyang mga kaso.

Matatandaang si Teves ang tinuturong mastermind sa pagpagpatay kay noo’y Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nanatili sa Timor-Leste ng dalawang taon at sinampahan ng patung-patong na reklamo na tinukoy rin bilang isang terorista bago tuluyang napa-deport pabalik ng bansa.

Facebook Comments