VIRAL: 100 taong gulang na magkasintahan sa Ohio, ikinasal

Image via indy100

Hindi pa huli ang lahat sa magkasintahan na sina John Cook Sr., 100, at Phyllis Cook, 103, na ikinasal nitong nakaraang linggo sa Ohio, Estados Unidos.

Nagkakilala ang dalawa sa Kingston Residence nitong nakaraang taon sa Sylvania at simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay.

Ayon sa dalawa, pareho silang biyuda sa kanilang unang asawa. Isang taon na rin silang magkasintahan kaya’t nagdesisyon na magpakasal kahit na 100 taon higit na ang kanilang edad.


Ikinatuwa naman ng mga netizen ang love story ng dalawa, na hindi hadlang ang katandaan sa pagmamahalan o makita ang kanilang “till death do us part.”

Ibinahagi ng dalawa na sabay silang kumakain, magkasama araw-araw o kaya nasa labas lamang sa ilalim ng araw.

Mayroon ding personal space ang dalawa sa kanilang apartment. Nasa taas si John at nasa baba naman si Phyllis.

Binigyan naman ng inspirasyon ang mga netizen na mahanap ang kanilang true love o maging masaya hindi alintana ang katandaan o edad.

Facebook Comments