Tuesday, May 21, 2024

VIRAL: 2 mag-aaral, tumigil sa paglalakad nang marinig ang Lupang Hinirang

Courtesy Mark Anthony Garais

Kinabibiliban ngayon ang dalawang estudyante mula sa Lipa, Batangas dahil sa ipinakitang pagmamahal at galang habang pinapatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.

Sa litratong kuha ni Mark Anthony Garais, makikitang nakapuwesto sa isang gilid ang mga lalaking mag-aaral at nakalagay ang kanang kamay sa kani-kanilang dibdib.

Kuwento ng uploader, hindi nagdalawang-isip ang dalawa na huminto sa paglalakad nang marinig ang Lupang Hinirang kahit late na sila sa flag-raising ceremony.

“Kaya ko sila napicturan kase bihira na lang ‘yun sa katulad naming mga estudyante na humihinto kapag tumugtog na ang pambansang awit,” sabi ni Garais.

Marami naman netizen ang pumuri sa pagiging mabuting ehemplo ng dalawang bata.

Payo ng ilan, dapat tularan ang mga ito dahil sa panahon ngayon maraming nakakalimot maging makabayan.

Facebook Comments