VIRAL: 20 anyos, hinangaan sa Cebu-inspired cut out dresses

56
Image via Marc Loria Brua on Facebook

Hinahangaan ng mga netizen ang malikhaing artworks ni Marc Loria Brua, 20 taong gulang, na cut-out dresses na background ang mga landmark sa Cebu.

Ayon sa kaniyang interview sa Inquirer, sinabi niyang hindi mula sa kaniya mismo ang ideyang ito kundi sa isang Armenian artist na si Edgar Artis.


Inaabot ng tatlo hanggang apat na oras ang kaniyang paggawa sa mga cut-out dress at ang mga landmark sa Cebu ang magmimistulang background ng mga nagawang cut-out dresses.

Gumawa pa siya ng iba na tampok ang Magellan’s Cross, Plaza Independence at Fort San Pedro.

Image via Marc Loria Brua on Facebook

Una nang nakuha ang atensyon nito noong Disyembre kung saan ginuhit niya ang gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang mga kandila sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu ang naging background.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Education Major in Physical Science sa Cebu Normal University.

Facebook Comments

From Advertisers