Naging viral sa social media ang post ng isang dalaga tungkol sa kaniyang ama na tinanggihan daw ng 30 pagamutan dahil puno na raw o kulang sa gamit bunsod ng paglobo ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kuwento ni Zyrene Boco, isinugod ang tatay niyang si Arnel sa ospital malapit sa kanilang tahanan noong Marso 26 dahil inatake ito sa puso.
Subalit imbis na dalhin sa emergency room, pinadiretso raw sila sa isang tent dahil puno na raw ng pasyente ang naturang pagamutan.
Doon daw inihayag ng doktor na malubha ang kalagayan ni Arnel, pero hindi ito mabibigyan ng intensive care kaya kailangan nilang lumipat sa ibang ospital.
Batay sa resulta ng x-ray ng padre de pamilya, mayroon itong pneumonia at nagsagawa rin sa kaniya ng swab test para malaman kung may COVID-19 siya.
Nakipag-ugnayan raw ang pamilya Boco sa halos 30 pagamutan ngunit iisa lamang ang sinasagot ng mga ito – okupado ang buong ICU, ward, o hindi sapat ang kagamitan.
“All day and night we were calling hospitals because he needed intensive care but NO ONE WANTED TO ACCEPT HIM. They feared he suffered the infection of the virus but he did not show any symptoms prior to the day he was admitted. Many hospitals gave us false hope by saying an icu was available and upon learning about the situation, would turn my dad down,” saad pa ni Zyrene.
Pumanaw si Arnel noong Marso 27, dalawang araw makalipas ang kaarawan niya.
“They left my dad there to die. He died in a tent by the street with primary level care and we couldn’t do anything about it. He was cremated a few hours later with no one by his side. He didn’t even get a proper funeral. It’s so unfair because he didn’t deserve it.”
“It really hurts me to say this but he died struggling. I was looking him in the eye and it really really broke my heart because I knew he wanted to live. He wasn’t ready to leave all of us here,” pagpapatuloy ng nagdadalamhating anak.
Minabuti ng dalaga na ibahagi sa social media ang naging karanasan para magsilbing “eye-opener” sa sitwasyon ngayon ng mga ospital.
Nanawagan si Zyrene sa Department of Health (DOH) na bigyan-pansin ang mga pangangailangan ng health workers upang hindi maulit sa ibang pasyente ang pinagdaanan nila.