VIRAL: Autistic na 6 taong gulang, ‘bestfriend’ ang garbage collectors

Screenshot via indy100

Naantig ang puso ng mga netizen sa anim na taong gulang na may autism, kung saan inaantay niya kada Huwebes ang truck ng basura upang makita at mayakap ang mga ‘kaibigan’ na nangongolekta ng basura.

Ayon sa panayam sa kaniyang ina sa indy100, nag-umpisa ito anim na buwan na ang nakakaraan. Sinabi ni Noah na gusto niyang mayakap ang mga nangongolekta ng basura.

Agad namang pinuntahan ng ina ni Noah ang driver at sinabi ang kahilingan ng bata at ito’y autistic. Hindi sila nagdalawang isip na bigyan din ng yakap si Noah.


Kinilala ang dalawang sanitation worker na sina Jacob Yoder at Mark Stephens, na dinadalhan ni Noah ng cookies o fastfood gift cards at regalo.

Binigyan din ng regalo ng dalawang kaibigan si Noah ng toy garbage truck at sumbrero. Nang tanungin si Noah kung anong nais niya maging paglaki, isiniwalat ng kaniyang ina na gusto nito maging isang garbage collector.

Facebook Comments