VIRAL: Babae, ibinenta ang wedding gown para sa pampagamot ng isang baby

303
Image via Leigh Kris on Facebook

Viral ngayon sa internet ang post ni Kris kung saan ay ibinebenta niya ang kaniyang wedding gown para sa baby na nangangailangan ng liver transplant.

Ayon sa kaniya, mabilis na nabenta ang wedding gown niya dahil sa “online bayanihan” sa tulong ng mga netizen.


Nagpasalamat naman si Kris sa mga tumulong at sinabing mapupunta ang lahat ng napagbentahan sa baby Zuan.

Nauna nang nag-viral noon si baby Zuan kaya nag-alok ng tulong si Kris dito. Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa kabutihang loob at pagmamalasakit nito.

Ang iba ay nagpaabot ng tulong kay Baby Zuan na nagbenta rin ng make-up at mga damit.

Itinuring naman siyang “good samaritan” agbigay ng inspirasyon sa karamihan. Sa kasalukuyan ay mayroon itong 2,800 reactions at 8,500 shares.



Facebook Comments