VIRAL: Babae, minahal ang kaklase sa kabila ng ‘itsura’

269
Photo courtesy of GMA News

Tampok sa mga netizen ang kwento ni Marissa na nagmahal siya ng lalaking may may ‘matinding disorder’ o Treacher Collins Syndrome.

Parehas nila Jojo, ang kasintahan ni Marissa, na nagtapos ng Computer Science sa isang unibersidad kung saan sila nag-umpisa at nagkakilala.


Ayon kay Jojo, isang masayahing babae si Marissa at mabait kaya nahulog ang loob nito sa kaniya.

“Ang gusto ko kay Marissa ay friendly siya. Masayahing babae. Gumaan ang loob ko sa kaniya. Siya ay mabuting babae. Palangiti at hindi maarte,” ani Jojo.

Pinatunayan nilang dalawa na walang hadlang sa pagmamahalan maski ano pa man ang itsura o sa kabila ng disorder.

Sabi naman ni Marissa, “Pipiliin ko pa rin si Jojo.”

Ayon sa isang netizen, “Tama ‘yan dahil ang totoong-totoo wala sa hitsura. Anhin mo ang hitsura kung hindi ka naman magiging maligaya.”

Ang Treacher Collins Syndrome ay hindi na-develop ng maayos ang mga buto sa mukha, kabilang na dito ang pisngi, baba at panga.

Facebook Comments
From Advertisers