VIRAL | Babae, tinangkang halayin ng waiter ng isang music bar

Pasay City – Viral ngayon ang FB post ng isang babae dahil sa tangkang panghahalay sa kanya ng waiter ng isang karaoke bar sa Pasay City.

Sa post ni Miss Marra Zambrano, idinetalye nito kung paano nagsimula ang tangkang panghahalay ng suspek na si Louie Drio at kung paano pinagtakpan ng management ng Music Bank Family KTV & Restaurant ang kanilang empleyado.

Batay sa kuwento ni Zambrano, may kausap siya noon sa kanyang cellphone nang lapitan siya ni Drio at inalok na pumasok sa mas tahimik na kwarto para hindi na ito mahirapan sa pakikipag-usap.


Pero noong nasa loob na ng kwarto, bigla na lang hinawakan ni Drio si Zambrano at nagpumilit na halikan siya.

Nang pumalag si Zambrano at nagtangkang tumakas ay itinulak pa siya ni Drio papunta sa sofa.

Inireklamo ni Zambrano si Drio pero nadismaya lang siya dahil pinagtakpan pa ito ng management.

Hiningi ni Zambrano ang kopya ng CCTV pero hindi ito ibinigay ng management at sa halip ay inalok na lang si Zambrano at ang kanyang mga kasama ng discount sa inorder nilang beer.

Sa ngayon ay mayroon ng 7,300 reactions; 3,248 shares at 1,300 comments ang post ni Zambrano sa Facebook.

Facebook Comments