VIRAL: Babaeng Chinese nanakit ng traffic enforcers, siklista sa Makati

11607
Screenshots from Facebook video/Jayson Boongaling

MANILA, Philippines — Nakuhanan ang isang babaeng Chinese na nakipagtalo at nanakit ng traffic enforcers sa Jupiter Street, Barangay Bel-Air sa Makati.

Sa video na nag-viral nitong Martes, makikitang nadamay sa pananakit ang isang siklista na hinampas ng dayuhan ng payong sa ulo.


Kuwento ng uploader ng video na si Jayson Boongaling, nag-ugat ang gulo nang paalisin ng traffic enforcer ang babae na pumunta sa intersection kahit umaandar pa ang mga sasakyan.

Hinarang pa ng dayuhan ang isang paparating na kotse at hinampas ng payong saka inambahan din ang katabing rider.

Hindi naman na nakuhanan pa ang pagpunta ng babae sa isang restawran kung saan ipinagpatuloy nito ang paghuhurementado at nandura pa umano ng security guard.

Ayon sa Makati City Police Station, dinala na sa presinto ang babae na ‘di muna pinangalanan habang inihahanda ang reklamong isasampa rito.




Facebook Comments