VIRAL: Babaeng gumagaya kay Marga Mondragon

Image via ABS-CBN Entertainment/Kadenang Ginto

Viral ulit ngayon sa social media ang batang babaeng gumagaya sa mga karakter ng patok na teleseryeng “Kadenang Ginto.”

Sa bidyong inupload ni Nixus Tyrone Aguilera II, mapapanood ang panggagaya ng babae kay Marga Mondragon na ginagampanan ni Andrea Brillantes. Nilagyan na rin ito ng subtitle upang mas maramdaman ng netizens ang hinihirit ng impersonator.

Maging ang uploader, aminadong natuwa sa ipinatong niyang subtitle.


Sumikat noon ang batang ito dahil sa linyang “You do note me, Cassie…you do note.”

Kaya naman, muling kinagigiliwan ng social media users ang bigay todong akting ng paslit.

“Kasalanan niyo to, #KadenangGinto.”

“Hoy iha magsaing ka dun tawag ka na ni mama mo. Hahahaha

“Tumataas balahibo ko.”

“Do you note Cassie Ang skit mo sa bangs!! Ang kulit!!

Umabot na sa mahigit 770,000 views ang nakatatawang video. Mapapanood ang Kadenang Ginto, tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.

Facebook Comments