VIRAL: Babaeng kuha sa CCTV, umanong kahugis-katawan ni ‘Dobby’ sa Harry Potter

3405
Screenshot via Vivian Gomez on Facebook

Viral ngayon ang babaeng hugis-katawan na umano’y Dobby, isang karakter sa Harry Potter na ginagampanan ng isang house-elf, sa kuha ng CCTV na ibinahagi sa Facebook.

Ayon kay Vivian Gomez, napansin niyang parang umano’y kakaibang nilalang sa kaniyang CCTV nitong Linggo ng umaga.


Sa kaniyang caption sa Facebook, “So I woke up Sunday morning and saw this on my camera and am trying to figure out…what the heck?? First I saw the shadow walking from my front door then I saw this thing….has anyone else seen this on their cameras?? The other two cameras didn’t pick it up for some reason.”

Agad na umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon kay Gloria, mayroon silang nakitang house stick bago matapos ang video. Mukha raw itong puppet.

“You can see someone in the house stick their hand out the window at couple seconds before the video ends. Looks like a puppet of some sort to me.”

Sinangayunan naman ito ni @TheVandaley na sinabing masyadong ‘exaggerated’ ang mga hakbang nito.

Ibinahagi rin ito ni @jadynbee_ sa twitter at sa kasalukuyan ay mayroon itong 87,000 retweets, 250,000 likes at 24 million views.

Habang sa Facebook post naman ni Gomez ay mayroon na itong 119,000 shares at 34,000 reactions.

Si Dobby ay namatay sa Harry Potter and the Death Hallows–Part 1, pang-anim sa Harry Potter Series ni J.K. Rowling.

Facebook Comments

From Advertisers