VIRAL: Babaeng may saklay, tinulungang makatawid ng isang ginang

2301
Screenshot via Caught on Cam on Facebook

Viral ngayon ang CCTV video ng babaeng may saklay na tinulungan ng isang ginang makatawid sa kalsada.

Sa post na ibinahagi ng Facebook page na Caught on Cam, mapapanood ang babaeng hirap makatawid ngunit pinasan siya sa likod ng isang ginang dahil nahihirapan ito.


Sa video, makikita rin na mabagal ang ‘paglakad’ ng babae gamit ng saklay at naabutan na siya ng green light o go signal.

Tumakabo ang ilang tumatawid sa pedestrian lane ngunit ang isang ginang ay binuhat sa likod ang menor de edad.

Naantig naman ang puso ng mga netizen sa pagmamalasakit at kabutihang loob na ipinamalas ng ginang na tinulungan siya makatawid dahil nahihirapan na ito.

Ayon sa isang netizen, “All you people, saying thank God, nothing to do with him. Just someone with a kind heart, witch we don’t see much of theses days.”

Hindi naman naiulat kung saang bansa ito nangyari o pangalan ng mga nasa video.




Sa kasalukuyan ay mayroon itong 35,000 views.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments