VIRAL | Babaeng nanapak ng matandang taxi drayber, kakasuhan

Quezon City – Kakasuhan ng 52-anyos na taxi driver ang babaeng nakagitgitan niya sa kalsada sa bahagi ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Kasong physical injury and damage to property ang isasampa ni Virgilio Doctor sa babaeng nanakit sa kanya na si Cherish Sharmaine Interior, 31-anyos.

Kwento ni mang Virgilio, mabagal ang takbo ng kotse ni Interior kaya nag-overtake siya na ikinagalit ng babae.


Hinarang siya ng sasakyan at pagbaba ay pinagmumura siya nito at ng kasama niyang lalaki.

Humingi naman daw siya ng paumanhin pero sinira pa ng babae ang side mirror ng taxi at sinapak siya sa kaliwang tenga.

Tinutulungan na ng LTFRB si mang Virgilio at kanyang operator na makapaghain ng reklamo sa LTO na siyang magdedesisyon kung kakanselahin ang lisensya ng babae.

Magsasampa rin sila ng kasong kriminal para mapanagot si Interior.

Nag-viral ang video ng naturang away-trapiko matapos na i-upload sa facebook ng isang Joshua Baluyot.

Facebook Comments