VIRAL | Babaeng nanuntok at nagmura ng mga traffic enforcer, kakasuhan na ng MMDA

Manila, Philippines – Inihahanda na ng MMDA ang kaso laban sa babaeng nanuntok at nagmura sa mga traffic enforcer na sumita sa kanila dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija, kinukuha na ng kanilang legal team ang mga detalye mula sa mga enforcer para sa pagsasampa ng kaso.

Aniya, malakas na ebidensya ang kuhang video sa insidente kung saan kitang-kita ang pananakit ng babae sa kanilang mga tauhan.


Ang isasampang kaso ay iba pa sa dalawang ticket na ibinigay sa nagmamaneho ng motorsiklo dahil sa hindi paggamit ng helmet.

Facebook Comments