VIRAL: Baboy ibiniyahe sakay ng habal-habal

Screenshot via Facebook/Melody Melody

Viral ngayon sa social media ang video ng isang baboy nakasakay sa habal-habal.

Nakuhanan ito ni Facebook user Melody Melody nitong Mayo 10 sa Kitcharao, Agusan del Norte. Mapapanood sa video na sinusubukan bumalanse ng baboy habang nagmamaneho ang driver.

Hindi napigilan matawa nina Melody at sinabing “maoy klaro nga struggle is real.” Isinulat niya ang caption na “stressful moment sa baboy”


Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa kumakalat ng video ng hayop.

Kodus to the driving and balancing skills of the driver, the baboy and the supporting actor!”

“Sila ma’am parang sumasakay sila sa roller coaster”

“Fast and Furious: One last ride”

“OA ang nagvideo wala naman nakakatawa” (OA ra kaayo ang nag vedio wa may kataw an day)

Sa ngayon, umabot na sa 818,000 views at 12,000 shares ang riding experience video ng hayop.

Facebook Comments