VIRAL: Banyaga niregaluhan ng wheelchair ang namamalimos na PWD

1351
Images via Jeanette Intendencia Barboza

Pinuri ng netizens ang isang dayuhan sa Koronadal City, South Cotabato dahil sa ipinamalas nitong kabutihan sa nangangailangan na PWD.

Sa Facebook post ni Jeanette Intendencia Barboza nitong Sabado, makikitang hinandugan ng wheelchair ng isang banyaga ang PWD na namamalimos sa labas ng isang mall sa naturang siyudad.


Bago ibigay ang wheelchair, masayang nakikipagkuwentuhan ang dayuhang lalaki. Tinulugan din nito ang namamalimos na makaupo sa regalong iniabot.

Hindi naman napigilan maluha at matuwa ng PWD sa kanyang regalong natanggap. Niyakap niya din ng mahigpit ang good samaritan.

Isang masigabong palakpakan naman ang ibinigay ng mga taong nakasaksi.

Kuwento ni Barboza sa isang local radio station, pinost niya ang mga larawan para maipakita na kahit sino ay maaring tumulong sa kapwa.

Facebook Comments