VIRAL: Batang babaeng naghandog ng isang awitin para sa lola

1079
Screenshot via Kristina Cayla Flores Dodola

Viral ngayon ang bidyong pinost ni Kristina Cayla Flores Dodola sa Facebook habang kinakantahan nito ng isang makapagbagbag damdamin na kanta ang kanyang lola.

Inaawit ng batang babae ang musikang ‘Aking Pagmamahal’ na binibigyan niya ng ibang tunog at sinasabayan ng beat para lalong maaliw ang matandang babae.


Mapapansing emosyonal si lola sa munting handog ng apo. Pinapahid nito ang luhang tumutulo habang pinapakinggan ang mala-anghel na boses ng supling.

Bakas sa mukha ng mag-lola ang pagmamahal at kasiyahan sa isa’t-isa.

Kaya naman ang maraming netizens, hindi napigilan maantig sa memorable at simpleng regalo ni Dodola. Ang ilan sa kanila, sinariwa ang masayang alaala kapiling ang mga pinakamamahal na lola.

“naiiyak at naluluha ako kapag pinapakinggan ko ito”

“Miss You ko na rin ang aking Lola kaso wala na sah!!!”

“mabuhay ang lahat ng lola ng matagal”

“Waahhh .. naiyak ako .. namimiss kuna tuloy si nanay”

Panoorin ang inspiring video na umani ng mahigit 1.7 million views:

Facebook Comments

From Advertisers