VIRAL: Boyfriend na isu-surpresa ang GF, nahuling may kalaguyo

9552
Image via Ken Wong on Twitter

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang tweet ni Ken Wong, kung saan may hawak siyang bulaklak upang surpresahin ang girlfriend sa kaniyang kaarawan.

Ngunit di niya inaasahang makikita niya pala ang girlfriend na may kasamang iba na kayakap.


Ayon kay Wong, sinurpresa rin ng lalaki ang kaniyang girlfriend kaya’t napatalon at napayakap sa tuwa ito.

Nag-komento naman ang mga netizen upang makisimpatya kay Wong at sinabing humanap na lamang siya ng iba.

Ayon kay Rowell Relosa, “not worth it… go out and enjoy life.”

Sinabi naman ni Kheiy Rebullar na si Wong ang nasurpresa at hindi ang girlfriend.

“Aw! it turns out you were the one who was surprised! Hope you’ll feel better. She doesn’t deserve you!”

Facebook Comments

From Advertisers