VIRAL: Boyfriend na naglakbay ng 2,400 km para isurpresa ang GF, nahuling may kalaguyo

via World of Buzz

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang isang lalaki sa China na naglakbay ng 2,400 km upang isurpresa ang girlfriend ngunit may kayakap itong iba.

Nagsuot ng bear na mascot ang boyfriend para sa kaniyang nobya ngunit nang makita ito ay may kasamang ibang lalaki.

Nakaabang ang boyfriend sa gilid habang bumibili naman ng pagkain ang babae kasama ang kalaguyo nito.


Nang mapagtuunan ng pansin ng nobya na may nakatingin sa gilid, tinanggal ng lalaki ang kaniyang ulo ng bear na suot na mascot.

Namukhaan ng babae na nobyo niya pala ito at hinabol ito kasabay ng pagtakbo ng boyfriend papalayo.

Nang mahabol ng girlfriend ang orihinal na nobyo, ay niyakap niya ito habang umiiyak. Napag-alamang long-distance relationship ang dalawa.

Una nang ibinahagi ang mga larawan sa Weibo at inilabas sa Twitter. Hindi naman nabanggit kung saan galing na lugar ang lalaki at identipikasyon ng babae.

Facebook Comments