Manila, Philippines – Nagnegatibo sa drug test ang buko vendor na si Romnick Relos at ang 13 mga nakaalitang miyembro ng MMDA sidewalk Clearing Operation Group o SCOG.
Kahapon sumailalaim sa drug test ang mga tauhan ng SCOG at nagboluntaryo rin si Relos.
Ayon kay MMDA OIC General Manager Jojo Garcia, ito ay upang malaman kung bakit ganoon na lamang kalakas ang loob ng mga nasangkot na tauhan ng mmda maging ni Relos at nauwi sa rambulan ang nasabing operasyon.
Nadiskubre rin ng MMDA na taliwas sa pahayag ng buko vendor na unang beses lamang niyang nahuli, lumabas sa record na nahuli na rin si Relos sa parehong lugar dalawang beses na dahil sa pareho ding paglabag.
Una nang sinabi ng MMDA na hindi makikialam ang ahensya sa kasong isasampa ni Relos sa mga tauhan ng SCOG kung ito ay may kinalaman sa pananakit, ngunit ipagtatanggol naman anila ang mga polisiya sa pagpapanatili ng kaayusan ng lansangan.