VIRAL: Bumper ng sasakyan ‘bumigay’ sa bisikleta

1830
Screenshot via JayVee Monterel

Viral ngayon sa social media ang litrato ng isang sasakyan na umano’y niyupi ng isang bisikleta.

Makikita sa larawang pinost ni Jayvee Monterel sa Facebook group na “mountain bike part buy/sale” ang yuping bumper ng puting Honda car habang paatras ang bisikleta.

“Kanina lng sa Aurora Cubao. Tibay ng bike o mahinang klase lng ung sasakyan??? pati mga traffic enforcer nagulat!!,” caption na isinulat ng netizen.


Screenshot via JayVee Monterel Facebook post

Iba’t-ibang kuro-kuro naman ang inilabas ng social media users ukol sa insidenteng nakagugulat.

Malambot Lang din Naman kase fiber glass.”

“The legend is true. sa madaling salita hindi peke yung ibang lumalabas na ganyang picture.”



Eh bumper lang naman pala eh anlambot lambot lang ng bumper eh haha”

“Crumple zone yan normal na maging ganyan yan kasi kung matigas yan imagine the impact pag nabunggo or nakabangga”


“Naplat din yata yung gulong ng bike e”

Samantala, naglabas ng pahayag ang may-ari ng sasakyan ukol sa insidente.

Paglilinaw si Sharon Suarez, bumalik sa dati ang white Honda car sa loob lamang ng 10 minuto.

“It went back to its original shape in less than 10 minutes… And the biker went home safely with his bike intact,” sabi ng motorista.

“As an owner, matatawa ka? Maiiyak? Relieved? For sure I felt the latter because no one got hurt and I did not need to spend thousands to fix it and drive around with broken bumper that same day.”

Wala din galos na natamo at mapayapang nakauwi ang siklista.

Panawagan niya sa uploader, mag-research muna bago magsalita.

Facebook Comments