VIRAL: Buwaya sa Florida, nag-ober da bakod

399
Image via Facebook/Christina Stewart

Sa panahon ngayon, tila marami nang kayang gawin ang isang buwaya na mas lalong katatakutan ng sanlibutan. Dahil maliban sa paggapang at paglangoy ng mabilis, puwede na rin itong – mag ober da bakod.
Pinatunayan ito ng isang buwaya sa Jacksonville Florida matapos itong mabidyohan ng isang netizen na umaakyat sa alambreng bakod ng Naval Air Station.

“When someone says there is a alligator on base of course I have to go see and glad I did got to watch him or her crawl over the gate and disappear so neat,” ani Christina Stewart sa kaniyang Facebook post noong nakaraang linggo.

 

Samantala, pinayuhan ng opisyal ng naturang air station ang mga residente na maging alerto kapag may nakitang gumagala o sumasampang buwaya. Nararapat umanong ipagbigay-alam sa kinauukulan ang ganitong insidente at huwag lalapitan para iwas-disgrasya.

Facebook Comments

From Advertisers