Bilang selebrasyon ngayong Hunyo sa mga dakila at ulirang ama, isang nakakapukaw damdamin ang ibinahagi ng viral costplayer na si Timothy Bravo sa kanyang social media post na may mensahe ng pag-amin sa ama nito ng kanyang tunay na kasarian.
Makikita sa larawan na nagtapat si Bravo na siya ay parte ng LGBTQIA+ at matagal niya na itong itinatago at ikinikim sapagkat natatakot siya na madismaya niya ang kanyang ama sa malalaman nito, kung kayat handa siyang intindihin ito at kasuklaman siya sa kanyang tunay na identidad.
Taliwas sa inaasahan ay hindi iyon ang nangyari, sapagkat pagtanggap at labis na pagmamahal ang ipinaramdam sa kanya ng isang ama.
Matatandaan, nailathala na si Bravo sa IFM GoodNews matapos magviral ang kanyang post sa pagpunta nito sa card day ng kanyang pinsan na nakacosplay sa pagkuha ng report card.
Samantala, tunay ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng magulang para sa kanilang mga anak, kaya naman saludo tayo sa mga tatay na handang tanggapin at intindihin ang kanilang anak sa napili nitong landas.
Kaya naman mula dito sa IFM Dagupan, kami ay lubos na bumabati ng Happy Father’s Day sa mga tumatayong haligi ng tahanan. |ifmnews
Facebook Comments