VIRAL: Dayuhan, nagwala at nambastos ng Pinoy customers sa loob ng convenience store

1326
Screenshot captured from Ralph Xavier's video on Facebook.

Usap-usapan ngayon sa internet ang bidyo ng umano’y pambabastos ng isang banyaga sa isang kahera at ilang Pinoy customer sa kilalang convenience store sa lungsod ng Paranaque.

Sa kuhang bidyo ni Raphael Xavier, makikitang galit na galit, sumisigaw, at naninira ng puri ang matandang banyaga na bumibili ng beer sa 711 President’s Avenue branch, sa BF Homes Subdivision.


Kuwento ng uploader, sinabi ng lalaking mamimili na unahin siyang pagsilbihan.

Nang tanungin ni Xavier kung anong problema nito, bigla nang nagwala ang abusadong matanda.

Tuluyan nang nabaling ang galit ng pasaway na banyaga sa netizen na kumukuha ng video.

Maayos naman kinausap at pinalabas ng isang guwardiyang nakabihis ng UN uniform ang nagwawalang lalaki.

Matapos makalabas, binulyawan niya ang nagpakilalang security guard at sinabing “Don’t forget America Number 1! Philippine down low!”.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dayuhang gumawa ng eksena.

Facebook Comments

From Advertisers