Nakuhanan ng isang turista sa Boracay ang umano’y pagpapahintulot ng isang babaeng dayuhan sa kanyang anak na dumumi sa dalampasigan.
Sa kumakalat na video sa social media, makikita ang isang babae na tila may ibinabaon sa buhangin.
Ayon sa kumuha ng video, ito ang ina ng bata na tinatakpan ng buhangin ang dumi ng kanyang anak, sa Station 1 ng Boracay.
Maya-maya pa ay makikita naman ang “lola” na hinuhugasan ang puwet ng bata sa dagat mismo.
Mabilis namang kumalat ang video dahil sa mga galit at nadidiring netizens.
Nakarating na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang video.
“Bawal ‘yung ganoon, but still we need drumbeat more of information when it comes to enviromental violations,” ani Environment Undersecretary Benny Antiporda sa isang panayam.
Nakasaad sa Municipal Ordinance Number 311 o “Anti-Littering Law” ng Malay, Aklan na kasama sa mga ipinagbabawal ang pagdudumi, pag-iihi, at pagdudura sa mga pampublikong lugar, gaya ng Boracay.
Matatandaang anim na buwang isinara sa mga turista ang Boracay para isailalim sa malawakang rehabilitasyon dahil na napakataas na fecal coliform level sa katubigan nito.