VIRAL: ‘Deep fried rat!’- Fastfood chain sa Texas, ipinasara matapos makuhanan ang pagtalon ng isang daga sa ‘fryer’

Pansamantalang ipinasara ang Whataburger fastfood chain sa Texas, nang makuhaan sa surveillance camera ang pagtalon ng isang daga sa isang food fryer.

Ipinost ng isang facebook user na si Brushawn Lewis ang naturang video nito lamang Linggo na agad umani ng million views online.

Sa clip ay mapapanood ang pagpapaikot-ikot ng daga sa mga food containers ng counter.


Maya-maya pa ay may isang babae ang nagtangkang hulihin ang daga ngunit sa isang iglap ay tuluyan na nga itong tumalon sa fryer.

Dito na nagsigawan ang mga costumers ng store.

“Deep fried rat!” sigaw ng isa namang customer ngunit sa kabila nito ay iginiit ng isang empleyado na hindi raw niya alam kung paano patayin ang machine.



Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang Whataburger company kung saan kinumpirma nitong pansamantala munang ipasasara ang nasabing fastfood chain para sa wastong paglilinis nito.

Facebook Comments