VIRAL | DepEd, binabatikos dahil sa mga umano’y reference materials na nagtuturo ng racism, sexism at outright discrimination sa mga estudyante

Manila, Philippines – Umani ng batikos ang Department of Education (DepEd) dahil sa umano’y impormasyon sa ilang libro na nagtuturo ng racism, sexism at outright discrimination sa mga estudyante.

Nabatid na nag-viral sa facebook ang isang litratong ipinost ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña kung saan sinasabing ‘better’ ang katangian ng mga babae sa western countries kaysa sa mga Pilipina.

Sa post ng aklalde, sinabi nito na kinuha niya ang litrato mula sa takdang-aralin ng kaibigan ng kanyang apo.


Kasabay nito, may isang litrato pa mula sa umano’y DepEd approved textbook kung saan inilalarawan ang mga kababaihan bilang ‘sagisag ng kahinaan’.

Wala pang pahayag ang DepEd hinggil dito.

Facebook Comments