VIRAL: Grab driver, hindi makikipag-areglo sa kampo ng nanakit sa kaniya

13479
Images from Ed Tugade's Facebook account

Nanindigan ang Grab driver na si Reynaldo Tugade na hindi makikipag-areglo sa mga taong nanakit sa kaniya matapos siyang tumangging magsakay ng limang pasahero.

Giit ni Tugade sa kampo ni Jan Jervi Mercado, kapag muling nagsalita ang salarin ng areglo, maninigil siya “nang hindi niya kayang bayaran”.


Naging viral sa social media ang pagmumua, pananabunot, at pambubugbog nina Mercado, kasintahang si Rhea Sangil, at dalawang iba pa sa tsuper noong Setyembre 8.

Ang naturang insidente nakuhan ng video ni Tugade, na dating cameraman pala ng ABS-CBN.

Nakapiit sa Quezon City Police Station 2 ang dalawa at sinampahan ng kasong physical injury malicious mischief si Mercado; samantalang physical injury naman ang isinampa sa kasintahan nito.

Matatandaang inihayag ng lalaking nanapak at nanipa ng kotse ni Mercado noong Huwebes na todo ang kaniyang pagsisisi sa nagawa at umaasang magkakaayos sila ng drayber.

Facebook Comments

From Advertisers