VIRAL: Guro, lumusong sa baha upang buhatin ang estudyanteng may sugat

475
Image via Regine Escueta

Lumusong sa baha ang isang guro sa Iloilo upang buhatin ang kaniyang estudyanteng may sugat sa paa.

Sa ibinahagi na larawan ni Regine Escueta, makikitang pasan ng guro ang estudyante niya upang hindi maimpeksyon ang sugat nito dahil sa baha.


Umabot na ang tubig baha sa lampas sakong sa loob ng silid-aralan ng eskuwelahan kaya’t pinauwi na ang mga estudyante.

Ikinansela na rin ng mayor ng Iloilo na si Jerry Treñas ang mga klase sa lalawigan.

Naantig naman ang puso ng mga netizen sa ginawang kabutihang loob ni Jessica Jayloni, isang guro sa Iloilo National High School.

Ayon naman kay Prudence Villaflor Jr., “Teacher ka talaga Maam may malasakit sa kapwa lalo na sa mga estudyante. Keep up the good work. I salute you. God bless!”

“An act of being passionate to her noble profession. Salute you madam Teacher!” komento ng isang netizen.

Facebook Comments

From Advertisers