VIRAL | Halikan nina Angel Aquino at Tony Labrusca, trending!

674

Manila, Philippines – Trending topic ngayon sa social media ang trailer ng online movie na pagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca kasunod ng matinding halikan ng dalawa.

Sa tatlong oras pa lang mula nang ito ay i-post ay pumalo agad sa mahigit 1 milyon ang views ng naturang video.

Maging mga showbiz personalities ay namangha sa trailer ng kanilang pelikulang “Glorious”.

Kabilang na dito ang volleyball player at TV host na si Gretchen Ho at singer na si Lea Salonga.

Ang “Glorious” ay tungkol sa pag-iibigan ng isang babaeng nasa edad na 50’s at isang lalaki na nasa 20’s at ito ay mapapanood sa online streaming service ng iWant TV ngayong Nobyembre.

Facebook Comments