VIRAL: Iranian driver sa Laguna, naninigaw umano ng mga pasahero

Image via John Kenneth Ruiz on Facebook

Ibinahagi ni Kimber Lynn, isang concerned citizen, ang naging karanasan ng mga pasaherong sakay ng Iranian driver na pumapasada sa Sta. Cruz hanggang Crossing Calamba, Laguna.

Ani Lynn, hindi niya naatim ang ginawang paninigaw ng Iranian driver sa mga pasaherong sakay nito sa jeep.

Imumungkahi niyang kailangan aksyonan ang hindi kaaya-ayang pagtrato ng foreigner na driver sa mga Pinoy na sakay nito.


Sa kaniyang post, nagbahagi rin ang iba pang Pinoy na minsang nakasakay sa jeep na ‘to na parehas ang pagtrato.

Ayon kay Lynn, pangatlong beses na siyang nakasakay rito at lagi niya na itong naoobserbahan. Inuutusan ng driver na bumaba ang mga Pilipinong sakay nito o di kaya’y siya ang nasusunod sa pagsukli at apura kunin ang bayad sa mga pasahero.

Ang Iranian driver ay si Hassan Yousefi, at 15 na taon na siyang naninirahan sa bansa. Siyam na rin siyang namamasada sa Calamba.

Naghain ng reklamo naman si Lynn sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) at napag-alaman na expired na pala ang driver’s license kaya hindi na ito makakapasada.

Facebook Comments