VIRAL | Iranian teenager, nais maging kamukha si Angelina Jolie

280

Viral ngayon ang isang Iranian teenager matapos kumalat sa internet ang di umano’y pagpapa-retoke nito ng 50 beses sa kagustuhang maging kamukha ni Angelina Jolie.
Ayon sa ulat, idolo umano ng 19 anyos na si Sahar Tabar ang aktres na si Jolie. Bukod sa pagpapa-retoke, sinusunod din aniya ni Tabar ang istriktong dyeta kung saan nabawasan na siya ng 90 pounds.
Agad namang pumalo sa 500,000 ang bilang ng kanyang ma followers sa Instagram dahil sa kontrobersyal na “transformation”. Samantala, iba-iba naman ang haka-haka ng netizens ukol dito.
May ilang ikinumpara siya sa animated character na “Corpse Bride” habang may mga nagsasabing prosthetics at make-up lang ang gamit ng dalagita.
Photo Credit: Instagram



Facebook Comments