VIRAL: Isang aso, naghukay para ilibing ang kaibigang kuting

Screenshot from Facebook Video/ Pidong Borromeo

Sa Facebook video na ibinahagi ni Pidong Borromeo, makikita ang asong si Brownie naghuhukay ng lupa upang ilibing ang kaibigang kuting.

Agad na umani ito papuri mula sa mga netizen na humanga kay Brownie na may malasakit upang ilibing ang kuting.

Ayon sa caption ni Borromeo, “Nagtataka ako kanina kung ano ginagawa nung ampon namin na si brownie. Nakakuha pala sya ng patay na pusa. Nabigla nalang ako sa sunod na mga nangyari. Tuwang-tuwa ako sa ginawa niya at dahil diyan marami kang kakainin mamaya. Buti pa mga aso may malasakit.”


Panoorin ang kabuuan ng video:
https://www.dailypedia.net/2019/04/dog-buries-a-lifeless-cat-such-scene-proves-that-animals-have-compassion-as-well/

Sa kasalukuyan mayroon itong 20,000 reactions at 11,700 shares.

Facebook Comments