VIRAL | Isang babae sa Amerika, bumiyahe papuntang UK para makorner ang kaibigang lalaki sa kanilang international tag game

United Kingdom – Trending ngayon ang video ng isang babae na nagpanggap na gardener para lamang makorner ang kaibigang lalaki sa ginagawa nilang laro na “international tag”.

Sinasabing bumiyahe pa mula Amerika papuntang United Kingdom si Georgina Wilkinson para lamang “ma-tag” o “ma-taya” ang kaibigang si Drew Mcewan na ikinatulala naman ng binata.

Sinasabing bago bumiyahe si Georgina, nakipagsabwatan muna ito sa kapatid ni Drew na si Angela para makumpleto niya ang kaniyang mission.


Nabatid na matapos ma-tag o ma-taya ni Georgina si Drew, agad itong bumiyahe pabalik ng Amerika kung saan isa sa mga rules ng laro ay bawal silang mag-usap o mag-kwentuhan.

Nabatid na sinimulan nina Drew at Georgina ang laro kasama ang walong iba nang makita-kita sila sa China noong taong 2014.

Facebook Comments