VIRAL: Tambay, napasaya ang isang manlalako dahil sa libreng milk tea

Courtesy Facebook/ Cabin Brew Milk Tea

Napukaw ang atensyon ng isang tambay nang makita niya ang isang manlalako habang nakatingin ito sa menu ng Cabin Brew.

Siya si Tatay Teban, matagal nang nagtitinda at naglalako ng kanyang mga panindang gamit sa bahay gaya ng walis, hanger, palanggana, at tabo.

Nilapitan ng nagmagandang loob si Tatay Teban at tinanong ito kung gusto niya ba nung nasa menu.


“Ay tinitignan ko lang, pangmayaman yan di ko kaya bumili nyan.” ani Tatay Teban.

Sa kagustuhan na mapasaya ang manlalako ay pinapili niya ito ng pinakamahal at pinakamasarap na milk tea at sinabing siya na ang bahalang magbayad saka ipinatago na lang ang hawak na 100 piso ng matanda.

Agad namang pumili si Tatay Teban at pinili niya ang Dark Choco Milk Tea.

Ito pala ang kauna-unahang pagkakataon na mkakatikim si Tatay Teban ng ganitong uri ng inumin.

Sa isang cup of milk tea ay bakas kay Tatay Teban ang sayang naramdaman at dahil dito ay sinabi niya pabalik, “Pili ka na sa paninda ko iho, gusto mo walis, palanggana, hanger? libre ko din.”

Ang mga kagaya ni Tatay Teban na naghahanapbuhay ng marangal at nagsisilbing inspirasyon sa marami ay nararapat lamang mapangiti ng higit pa sa kayang ibigay ng isang cup of milk tea.

Facebook Comments