VIRAL: John Lloyd Cruz at Bea Alonzo namataan sa Palawan

963
Image via Instagram/johnlloydcruztm

Tila nabuhay ang fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo matapos kumalat sa social media ang litrato at video na magkasama silang dalawa sa Palawan.

Sa Instagram post ni johnlloydcruztm, mababasa ang caption na “Popoy and Basha reunited in Palawan.”


 

View this post on Instagram

 

Popoy and Basha reunited in Palawan.

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Sa kasunod na post, makikita ang dalawa habang nakaupo sa isang improvised chair.

 

View this post on Instagram

 

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. 🙂 Video Courtesy to Owner. #JohnLloydCruz #BeaAlonzo

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan nina John Lloyd at Bea sa ABS-CBN ay “Kay Tagal Kang Hinintay” at “Maging Sino Ka Man”.

Tumatak naman sa publiko ang big screen tandem nina Popoy at Basha sa pelikulang
“One More Chance” noong 2007. Huling nagsama ang dalawa sa “A Second Chance” taong 2015.

Ayon kay Bea, masaya siya sa naging reaksyon ng madla. Kasama nila ang mga kaibigan nung muli silang magkita sa Palawan. Walang direktang kumpirmasyon mula sa aktres tungkol sa balitang lumalabas na comeback project nila ito.

Taong 2017 nag-file ng indefinite leave si John Lloyd sa showbiz para matutukan ang personal na buhay kasama ang anak at nobyang si Ellen Adarna.  Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo ng aktor kung kailan siya babalik sa mundo ng entertainment.

Facebook Comments

From Advertisers