VIRAL: Lalaking may bisyo at ‘adik’ sa DOTA, pinabayaan raw ang sariling anak

2923
Courtesy Madel Togonon

Viral ngayon sa social media ang kalunos-lunos na kuwento ng isang nanay na namatayan ng sanggol at pinabayaan umano ito mismo ng sariling ama.

Batay sa Facebook post ni Madel Togonon, inuna pa daw ng kaniyang live-in-partner na si Nico Panerio ang bisyo at paglalaro ng dota kaysa alagaan raw ang naghihingalo nilang supling.


Namatay noong Sabado ng gabi ang munting anghel dulot ng sakit na meningitis.

Subalit sa kabila ng pagpanaw ng sanggol, hindi pa rin umano nagpakita si Nico sa burol at libing nito.

Ayon pa sa nagrereklamo, siya lang raw mag-isa ang dumidiskarte para may pambayad sa pagpapagamot ng anak.

Aniya, madalas idahilan ng lalaki na wala itong pera kaya hindi makadalaw sa ospital.

Pero sa ginawang pagsisiyasat ni Madel, nadiskubre niyang napupunta sa alak, yosi, pambabae, at paglalaro ng dota ang perang nalilikom ni Nico mula sa mga taong nagmamalasakit sa sanggol.

Samantala, mariing itinanggi ni Nico ang akusasyong binabato sa kaniya ng dating kinakasama.

Giit ng lalaki, hindi niya binalewala ang kondisyon ng sanggol. Umabot pa daw sa puntong pinagbantaan siyang papatayin nang dumalaw sa pagamutan.

Dagdag pa ni Nico, sa korte na lamang sila magharap ni Madel upang mangibabaw ang hustisya at katotoohanan.

Facebook Comments