VIRAL: Langaw bumungad sa biniling pagkain ni Ivana Alawi

9205
Images via Facebook/Ivana Alawi

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng aktres na si Ivana Alawi ang naging masamang karanasan sa isang sikat na fastfood chain nitong Huwebes ng hapon.

Kuwento ng isa sa mga bida ng katatapos lang na teleseryeng “Sino Ang Maysala”, may nakita siyang langaw at itlog ng pesteng insekto sa kaniyang nabiling pagkain sa Mang Inasal – Puregold Calamba, Laguna branch.


“It’s scary to think that you passed health checks and are operating. Please investigate this branch because it’s a health hazard. I don’t want this to happen to anyone else! This was one of my favorite chickens to eat but after this incident I cannot look at your chicken the same way again!” nanggagalaiting sabi nito.

Ayon pa kay Alawi, pare-pareho ang kondisyon ng kaniyang inorder na manok.

Dahil sa nakadidiring pangyayari, agad niya itong kinuhanan ng litrato at ni-report sa naturang branch.

Nagdesisyon na siyang i-post ang larawan sa Facebook matapos hindi makatanggap ng sagot o paliwanag hinggil sa reklamong inihain.

“This serves as a reminder and warning to all the fast food chains to please take care of the quality and safety of their food. I hope this will not happen again,” sambit ng Kapamilya celebrity.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng Mang Inasal kaugnay ng nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers