VIRAL: Larawan ng ina na ‘proud’ sa kaniyang anak sa graduation day

413
Image via Mark Bonnie Salado Wata on Facebook

Sa litratong ibinahagi ni Mark Bonnie Salado Wata sa Facebook kung saan nakatingin sa kaniya ang ina sa araw ng pagtatapos nito sa isang unibersidad sa Davao City.

Naantig ang puso ng mga netizen sa ‘nadarama’ sa mata ni Lilibic Luy Salado Wata, ina ni Mark na ‘proud’ sa kaniyang nakamtam na tagumpay, ang makapagtapos ng kolehiyo.


Kuha naman ng kapatid ni Mark na si Christian Jeric Wata, ang nasa likod ng viral na larawan.

Ani ng isang netizen, “The words fail to describe the happiness, in those radiant, gleaming, shining, sparkling eyes, so proud Mum, gazing at her “little boy.” You have done an Excellent job! Congratulations to both of you.”

Binigyan naman ng inspirasyon ng mga netizen ang pagtatapos ng pag-aaral na tunay na galak ng mga magulang.

Si Mark Bonnie Salado Wata ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Biology sa University of Southeastern Philippines sa Davao.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 50,000 reactions, 981 comments at 28,000 shares.

Facebook Comments

From Advertisers