VIRAL: Lolo nagbigay-galang sa pambansang awit at bandila ng Pilipinas

Courtesy Facebook/Herbie Aguas

Walang pinipiling edad ang mga nagbibigay-pugay sa watawat at pambansang awit ng Pilipinas.

Sa litratong ibinihagi ni Mayor Herbie Aguas ng Sto. Domingo, Albay, makikita ang lolong hindi pa din nakalilimutan tumayo at ilagay ang kamay sa kanang dibdib tuwing tumutugtog ang Lupang Hinirang.

Nakuhanan ang pangyayari sa ginanap flag raising ceremony sa Pugad Lawin Park nitong Lunes.


Maiksi ngunit tagos sa puso ang caption na isinulat ni Aguas sa kanyang official Facebook account.

Umani ng respeto mula sa netizens ang ginawa ni Lolo. Sa ngayon, umabot na sa 34,000 likes at 25,000 shares ang viral photo.

Facebook Comments