VIRAL | Magarbong ball ng isang TV network, umani ng batikos

Binatikos ng batikang direktor na si Direk Mike De Leon ang ginanap na ABC-CBN Ball 2018 noong Sabado.

Naging trending topic worldwide ang kauna-unahang ABS-CBN Ball 2018 kung saan nagpabonggahan sa kanilang mga ayos at porma ang kapamilya stars na dumalo.

Layunin ng ball na makalikom ng pera para sa Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.


Kaugnay nito, nag-iwan ng isang palaisipan si Direk Mike sa Citizen Jake Facebook account nito.

Tanong ng direktor, sa ganitong panahon kung saan marami ang nagugutom, aanuhin ng mga tao ang ABS-CBN Ball?

Inihambing pa ng acclaimed director ang ABS-CBN Ball sa mga magarbong party ni dating First Lady Imelda Marcos noong nasa puwesto pa ang yumaong asawa nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kalakip nito ang larawan ni Vice Ganda, kasama ang kanyang It’s Showtime host na si Ryan Bang, na kuha sa ABS-CBN Ball.

Facebook Comments